Ilang taon rin ang nakalipas at sya’y nagbalik, wala nang gatas sa labi ang isang to.

Tampok sa labang ito sina TheNoobShow a.k.a. Sibs na maglalaro sa panig ng Allies (SU) laban kay jtv15 na maglalaro sa panig ng Axis (OKW) sa Caen.

Tunghayan ang laban sa pagitan ng dalawang hukbo sa ika-46 na pagtatanghal ng Pinoy Company of Heroes!

Advertisements

Paumanhin sa halos 3 buwang pananahimik. Pero panoorin nyo na lang ang ika 45 na videocast, tampok sina ungasis (qrter) at i.R.Yakuza.ph na maglalaro bilang mga axis sa Crossing in the Woods.

Dumaan ang mahigit isang taon. Tayo’y nanahimik. Ngayon, tayo’y nagbabalik para sa kauna unahang bakbakan ng 2016. Ang inyong abang lingkod ay napalaban ng husto sa tagpong ito. May kayabangan ang ating katunggali. Panoorin nyo na lang. 🙂

P.S.

Walang komentaryo ang labang ito dahil tutok ang inyong abang lingkod sa mga tagpong ito. 🙂

2015. Taon ng Tupa, Anak ng Tupa. Matagal tagal rin pala tayong walang videocast.

Ito ang unang beses nating magcacast tampok ang inyong abang lingkod at si CHESTERILIZERph ng Team Japan.

Ang mga parating na Hukbo!

Posted: May 31, 2014 in News
Tags: , , ,

Gaya ng isang pelikula, ipinapakilala ng CoH 2: The Western Front Armies ang dalawang hukbo, ang pagbabalik ng mga Amerikano at ang Oberkommando West. Saksihan ang mga maaksyong trailer sa mga video na ito!

 

Ayon sa link na ito, tama nga ang kahapong pinaguusapan namin nina batusaiblitz at PvtJackRyan patungkol sa pagdalaw ng mga producer ng larong ito at oo, babalik ang Company of Heroes 2 sa Kanlurang bahagi ng  globo para ipagpatuloy ang labanan. Ang hukbo ng Estados Unidos ay magbabalik sa panibagong serye ng Company of Heroes 2, at Oberkommando ng mga Aleman ang makikipagtuos sa kanila sa Western Front.

Ayon sa balita, tinanong ang producer kung sa D-day ba muling magpapakita ang mga hukbo, sinabihan ang nagtanong sa kanya na wag masyadong… atat.

Malapit na nating makapiling muli ang mga Screaming Eagles… Death from Above!!!

Ang Western front ay lalabas bilang stand alone versions ng laro, sa ganitong pagkakataon, hindi natin alam kung ano ang magiging pagkakaiba ng Ostheer sa Oberkommando… Sa mga adik sa units na nadeploy sa Eastern at Western fronts, alam nyo ba kung may mga specific units lang na napadala? Bukod sa KT ah.

image taken from wikipedia.org

Ang Pabrika ng Lazur bago magsimula ang digmaan

Comrade Balderoski, base sa impormasyon na nakuha ng mga bagitong Partisan, napagalaman na ang mga Aleman ay manggagaling sa kagubatan ng Sochinskiy at balak nilang kunin ang pabrika. Bukod dito, nalaman rin nila na kasama sa apat na kumpanya na paparating ay si Hauptmann Friedrich Barretto. Ang isa sa mga kinatatakutang kumandante ng 10th Panzer Grenadier Division. Bantayan ang pabrika hanggang mataboy ang mga Aleman. Para sa Rodina!

– Commissar Dragomirov

Ang kauna-unang 4v4 match at ang unang videocast ng Pinoy CoH pagkaraan ng mahabang panahon. Tampok sa labang ito ang mga beteranong manlalaro ng CoH na sina, DMAXTHERMALTAKE, batusaiblitz, ang inyong abang lingkod, silentbreacher, gari168, garvisu at ang dalawang bagong dugo na sina Isdalicious at Redeye.

Narito na kami’t nagbabalik para sa ika-apatnapu’t dalawang pagtatanghal ng Pinoy Company of Heroes!

“Parang nadalaw ko na ang lugar na to… Napanaginipan ko na ang lugar na ito pero alam kong hindi dito ito…” – Hauptmann Wolfgang Perez II

Tampok sa labanang ito ang inyong abang lingkod, silentbreacher sa isang pamilyar na mapa sa mundo ng Company of Heroes, ang binuo ng mga masisipag na designers ng Relic ang bagong mapa na pinamagatang “Langreskaya”. Ang tanong, kayanin kaya ng inyong abang lingkod ang salpukang magaganap laban sa kanyang Rusong katunggali? Halina’t panoorin ang ika-41 na videocast sa Pinoy Company of Heroes!

Tampok ngayon sa ika-40 na videocast sina DMAXTHERMALTAKE at jaypax17 sa isang umaatikabong labanan sa nagyeyelong lugar ng Pripyat River pasa sa isa na namang maaksyong labanan sa mundo ng Company of Heroes 2!

At sa wakas ay may kasama muli akong magcacast ng laban na ito, sina dmax at jay ay tutulong rin sa atin sa paghatid ng mga kaganapan punto por punto!
(salamat at nagkamali ako ng pagrender ng audio kaya mas malinaw ang audio nila, paumanhin. xD)

Narito na! Saksihan sina jay at dmax!

Green. Ay teka, wala nun dito diba? – Hauptmann Marwin Fletzinger

Ang Lamig… – Hauptmann Joe Junker

Ang Dalawang Kapitan sa Army Group Center ay itinilaga sa malamig na lugar ng Kholodny upang makipagtagisan sa mga Rusong sina R3MaestroZ at DeathMaker. Tunghayan ang mga salpukang magaganap sa Pinoy Company of Heroes!